kasal nila. Matapos makapag-empake ay kaagad na hinarap ng dalawa ang bata at kinausap nang maayos. Nagpaalam sila na iiwan nila itong muli sa pangangalaga ng ilan sa mga kamag-anak ni Geron kagaya ng ginawa nila noong nagtungo sila ng Europa para sa kanilang honeymoon. Pumayag naman kaagad ang bata sa pangako nilang magbabalik kaagad para sila'y muling magkasama-samang tatlo.
        Sa isang yate ay isinakay ni Geron si Cristina papunta sa islang pagdarausan ng unang anibersaryo ng kanilang kasal. Yakap-yakap ni Cristinang nagmaneho si Geron. Mabilis na naglalayag ang kanyang yate. Paminsan-minsan ay inaabot ni Geron si Cristina sa gilid niya para mahalikan niya ito. Lalo namang napapayakap si Cristina kay Geron sa tuwing dadampi ang mga labi niya sa mga labi nito. Makalipas ang