ilang oras ay narating na ng dalawa ang napakagandang islang iyon. Kaagad na itinali ni Geron ang kanyang yate sa isang pabilog na poste sa gilid ng mahaba at makitid na pantalan na gawa sa kahoy at ng matapos na niya ito ay inalalayan ang pababa na ring si Cristina. Kaagad na linanghap ng dalawa ang sariwang hangin na pumapalibot sa napakagandang islang iyon. Puno iyon ng magagandang mga puno at mga bulaklak. May mga magaganda at makukulay ding mga ibong nagliliparan sa himpapawid at ang ilan ay nakadapo sa mga puno sa palibot ng magandang isla. Ang mga buhangin sa babayin ng islang iyon ay kasing puti at pino ng mga buhanging nakikita sa mga sikat at first-class na mga beach resorts na napuntahan na nila. Buhat-buhat ang mga bagahe nila ay nilakad nila ang kahabaan ng