pantalan na gawa sa kahoy. Kahit maraming dalang mga bagahe ay hinawakan pa rin ni Geron ang isang kamay ni Cristina habang naglalakad sila papunta sa kanyang bahay-bakasyunan sa loob ng magandang islang iyon. At makalipas ang ilang sandali ay nilakad naman nila ang napakagandang hardin sa harapan ng bahay-bakasyunan ni Geron malapit sa dagat. Narating nila ang isla isang araw bago ang anibersaryo ng kanilang kasal. Nagngingitiang pinagmasdan ng dalawa ang bahay-bakasyunan na matagal na hindi na rin napupuntahan ni Geron. Napakaganda pa rin nito kagaya ng dati. Nang nasa harap na silang dalawa ng magandang bahay na iyon ay inilapag na ni Geron ang kanilang mga bagahe sa may terraza, muling tumalikod si Cristina at pinagmasdan ang malawak na karagatang dinaanan nila habang nakasakay