sa magarang yate ni Geron. Muling linanghap ni Cristina ang sariwang hangin ng islang iyon. Napakasarap ng pakiramdam ni Cristina. Maging si Geron ay muli ring lumanghap ng sariwang hangin. Nangigiti siya sa kaligayahang nasasalamin niya sa mga mata ni Cristina. Linapitan niya ito at niyakap mula sa likuran. Lumingon si Cristina at tumingala kay Geron. Sinadyang bagalan ni Geron ang pagbaba ng mga labi niya papunta sa mga labi ni Cristina, sinadya niyang paghintayin ito. Ng tuluyan ng muling lumapat ang mga labi ni Geron sa mga labi ni Cristina ay inabot ng huli ang buhok ni Geron at hinimas iyon. Hinigpitan naman ni Geron ang pagkakayap kay Cristina. Pagkatapos ay kumalas na siya sa pagkakayap at marahan ng hinila si Cristina papasok ng kanyang bahay-bakasyunan. Dahan-dahan niyang ipinasok