sa mansion nito. Nagpaunlak naman agad si Joseph dahil siniguro ni Gimena na matutulungan ito nito. Sa isang lamesang napili ni Gimena sa loob ng cafeteria ay muling kinausap ni Gimena si Joseph.
"Hinahanap mo kamo si Cristina, hinahanap mo si Cristina sa mansion ni Geron ha?" kalkuladong tanong ni Gimena rito.
"Oo sabi ko nga sa iyo kanina," sagot naman nito. "Matagal ko na kasing hindi nakikita o nakakausap man lang sa cellphone si Cristina nag-aalala na ako para sa kanya."
Napangiti si Gimena sa narinig nito rito. "Talaga... bakit ano ka ba ni Cristina ha?" tanong ni Gimena rito.
"Manliligaw niya, matagal ko ng liniligawan si Cristina," sagot naman ni Joseph kay Gimena mula sa kinauupuan nito