susuko. Isinumpa nito sa sarili na hahanap at hahanap ito ng paraan para mapaghiwalay silang dalawa at muling mapunta rito ang pinakamamahal nitong si Geron. At minsang nagmamaneho si Gimena di-kalayuan sa sarili nitong mansion ay dumating ang hihinihintay nitong pagkakataon. Nakasalubong nito ang sasakyan ni Joseph ang masugid na manliligaw ni Cristina. Mula sa sasakyan nito ay tinanong nito si Gimena kung alam nito kung nasaan ang mansion ni Geron dahil gusto nitong makita si Cristina. Nanlaki ang mga mata ni Gimena sa narinig mula kay Joseph. Patay na si Cristina at bakit hinahanap pa ito ng taong nagtanong rito. Kaya kaagad na itinigil ni Gimena ang pagmamaneho at nagpakilala rito. Nagpakilala rin si Joseph kay Gimena at pagkatapos ay niyaya ng huli ito sa isang malapit na cafeteria