nitong tita. Iniyakap ng bata ang maliit na mga bisig nito sa kanilang dalawa at pinagbilinan pareho na huwag mag-aaway para hindi na sila magkakahiwalay pa. Ang gusto ni Alfred ay makasama na nito si Cristina sa bahay nila habang-buhay. Nakangiting siniguro ni Geron sa anak na hinding-hindi sila mag-aaway ni Cristina. Naging napakaligaya nilang tatlo na magkakasama sa loob ng mansion sa mga sumunod pang mga araw. Ang mga katulong sa loob ng mansion ay naging masaya para sa amo nilang si Geron pati na rin kay Cristina, maging ang mga kapatas ni Geron ay naging masaya rin para sa kanya at binati ito sa pagkakaroon ng panibago at magandang kasintahan. Ang kaligayahang nadarama nina Geron at Cristina sa piling ng isa't isa ay nagdulot naman ng pait at sakit para kay Gimena. Nangako itong hindi titigil at