Chapter 9
LUMIPAS pa ang ilang mga araw at buwan at lalong nagkakasundo at nagiging maligaya sina Geron at Cristina sa piling ng isa't isa. Hindi na muli pang sumagi sa isip ni Geron ang balak sana niyang paibigin at pasakitan pagkatapos si Cristina na inaakala niyang si Christine. Napag-isip-isip niyang magkaibang babae silang dalawa. Ang kasalanan ng inaakala niyang si Cristina ay hindi kasalanan ng inaakala niyang si Christine. Kaya hindi na nagdalawang-isip pa si Geron na ipagtapat kay Cristina na iniibig na niya ito. Tinanggap naman kaagad ni Cristina ang pag-ibig niya kahit nauna na itong magtapat ng pag-ibig sa kanya. Labis na naging masaya ang batang si Albert ng malaman nito na magkasintahan na ang ama nito at ang pinakamamahal