"Huwag ka nang magtampo Christine. Kilala ko sarili ko. Alam ko kung paano ako kapag-nalalasing ako. Walang nangyari sa amin ni Gimena, sinisigurado ko iyan sa iyo," alo ni Geron kay Cristina na kaagad na napatingala rito sa narinig niya.
"Talaga walang nangyari sa inyong dalawa ni Susana?" ulit niya rito.
"Oo Christine, walang-wala," siguradong sagot nito kay Cristina na inaakala nitong si Christine pagkatapos lumapit ito ng bahagya at yinakap siya sa mga bisig nito.