umisod papalapit pa kay Cristina sa tabi nito. At nang tuluyan ng magkadikit ang kanilang katawan ay inakbayan siya nito. At nang hindi pumalag si Cristina ay idiniin pa nito ang pagkakaakbay sa kanya at yinakap siya ng bahagya. Inihilig naman ni Cristina ang ulo niya sa balikat ni Geron at matapos niya itong sulyapan ay muling itinuon ang tingin sa daan na kanilang binabaybay. Habang papalapit sila ng mansion ni Geron ay dahan-dahan na ring nawawala ang galit at tampo ni Cristina kay Geron.
      Pagkarating nila ng bahay ni Geron ay kaagad na umakyat sina Geron at Cristina sa hagdanan at ng makarating na sila sa kwarto ni Cristina ay pumasok ang huli sa loob nito. Tinangka niyang isara kaagad ng pintuan niya pero kaagad